Ni: Mary Ann Santiago
Isa pang inmate ang nadagdag sa bilang ng mga presong namatay dahil sa heat stroke nang hindi makayanan ang matinding init sa loob ng selda ng Manila Police District (MPD)-Station 4 sa Sampaloc, Maynila kahapon.
Namatay si Rodelio Modesto, 42, miyembro ng “Bahala Na” gang, ng 951 Betina Street sa Sampaloc, habang ginagamot sa Ospital ng Sampaloc, dakong 3:30 ng madaling araw.
Sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), isinugod sa nasabing ospital si Modesto matapos dumaing ng paninikip ng dibdib noong Agosto 9, bandang 4:50 ng hapon.
Gayunman, bigo ang mga doktor na maisalba ang buhay ng biktima.
Si Modesto ay may kasong possession of illegal drugs.