Ni: Gilbert Espeña

MULING ikakasa ni Golden Boy Promotions (GBP) big boss Oscar dela Hoya ang bago niyang boksingero na Pilipinong si Romero “Ruthless” Duno laban sa isang dayuhang world rated boxer sa undercard ng depensa ni WBC at WBA lightweight champion Jorge Linares ng Venezuela laban kay Luke Campbell ng Great Britain sa Setyembre 23 sa The Forum, Los Angeles, California sa Estados Unidos.

Ikalawang laban ito ni Duno sa ilalim ng promotion outfit ni De La Hoya matapos patulugin sa 2nd round si Mexican American Christian Gonzalez noong nakaraang Marso 10 sa Belasco Theater sa Los Angeles, California.

“This is a massive opportunity for Romero Duno to showcase his talents and show to everybody that his win over Chimpa Gonzalez was no fluke. We thank Robert Diaz and Golden Boy Promotions for the opportunity,” sabi ng manedyer ni Duno na si Jim Claude “JC” Manangquil ng Sanman Promotions. Sa Philboxing.com.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Nagpasalamat naman si Duno sa ibinigay na pagkakataon sa kanya ng GBP at nangakong sisikaping magtagumpay para maging kampeong pandaigdig.

“I am blessed to be fighting in a huge card in the US. I thank the Golden Boy Promotions and Sanman boxing for the opportunity. I will continue to work hard and bring glory to the Philippines,” diin ni Duno.

Huling lumaban si Duno nitong Hunyo 10 nang patulugin niya sa 2nd round si Jason Tinampay sa Robinsons Mall Atrium sa General Santos City, South Cotabato upang mapaganda ang kanyang rekord sa 14-1-0, na may 13 panalo sa knockouts.