John Vincent Pangga and Kenneth Dela Peña

PUERTO PRINCESA — Dalawang sumisikat na Pinoy fighter ang nakasungkit nang pagkakataon na makasikwat ng gintong medalya sa 2017 ASBC Asian Juniors Boxing Championships nitong Linggo.

Ginapi nina Kenneth Dela Pena at John Vincent Pangga ang kani-kanilang karibal sa via decision sa semifinal match-up sa Puerto Princesa City Coliseum.

Naitala ni Dela Pena ang unanimous decision kontra Chen-Cheng Yu ng Chinese Taipei sa pinweight class, habang nakuha ni Pangga, Palarong Pambansa gold medalist, ang split decision kontra Talgat Syrymbetov ng Kazakhstan sa flyweight division.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Parehong first-timer sa international competition ang dalawa.

“May laban tayo. Malaki ang tsansa natin,” pahayg ni coach Ronald Chavez.