Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Blackwater vs Phoenix

6:45 n.h. -- Meralco vs Kia

MAITALA ang ikaapat na sunod na panalo para makaagapay sa liderato ang tatangkain ng Meralco sa pagsagupa sa bokyang Kia Picanto sa tampok na laro ngayong gabi ng 2017 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa ikalawang posisyon ang Bolts hawak ang barahang 3-0, kapantay ng Star Hotshots sa likod ng namumunong NLEX (4-0) na may laro kahapon habang isinasara ang pahinang ito kontra defending champion Ginebra sa Calasiao, Pangasinan.

Huling tinalo ng Bolts, losing finalist noong isang taon, ang Rain or Shine , 89-73, noong Hulyo 29 sa Antipolo City.

Sa kabilang dako, nalasap naman ng Kia ang ikaapat na sunod na pagkatalo sa kamay ng Ginebra nitong Agosto 2, 99-120.

Sa unang laro, makabalik sa winning track matapos ang dalawang sunod na pagsadsad ang hangad ng Phoenix kontra sa Blackwater na naghahangad namang makatikim ng unang panalo matapos ang unang tatlong pagkabigo. - Marivic Awitan