Ni JIMI ESCALA

KUNG malapit si Jessy Mendiola sa pamilya ni Luis Manzano, malapit na rin naman ang huli sa pamilya ng una.

Sey ni Jessy, pormal na niyang naipakilala si Luis last June sa kanyang amang British-Lebanese nang dumating ito sa Pilipinas para magbakasyon.

Ipinagmamalaki ni Jessy na si Luis ang kauna-unahang lalaking ipinakilala niya sa ama.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

LUIS AT JESSY
LUIS AT JESSY
“Sabi ko nga kay Luis na suwerte niya dahil siya ang pinakaunang nakilala at nagustuhan agad ng dad ko,” kuwento ni Jessy.

Magkapareho raw ng humor ni Luis at ng kanyang ama.

“Sabi ng daddy ko na, ‘I like him, he’s funny like me.’ So ‘yun, nagkasundo sila agad,” lahad ng aktres.

Masaya rin si Jessy na aprubadung-aprubado ni Congresswoman Vilma Santos ang relasyon nila at hindi rin daw niya maipaliwanag ang naramdaman niya sa treatment na ipinadama sa kanya ng buong pamilya ni Luis.

“Sobrang bait nilang lahat sa akin. Parang wala akong masabi,” sey pa rin ng dalaga.

Alam ni Jessy na ang kasiyahan lang naman ni Luis ang hangad ni Ate Vi. Kung nakikita ng Star for All Seasons na masaya ang anak niya ay lagi itong nakasuporta.

“Feeling ko rin naman, lahat ng mga ka-close namin, eh, ‘yun ang hinahangad, kaya hayaan na lang natin ‘yung iba ang sumaya. So, I guess ganu’n din siya sa amin. Kasi nakikita niya kung gaano kami kasaya, eh,” banggit pa ni Jessy.

Agad umiling si Jessy nang tanungin namin tungkol sa balitang nakarating sa amin na may pag-uusap nang nagaganap para sa kasal nila ni Luis. Ang importante raw sa ngayon ay pareho silang masaya.