Ni Ernest Hernandez

MALAKING posibilidad na sumabak ang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup na wala ang kinatatakutang ‘The Kraken’.

Dagok sa Gilas ang pagkawala ni Fajardo na nagtamo ng injury sa pige nitong Miyerkules sa laro ng San Miguel sa PBA.

“Masakit eh!,” pahayag ni Fajardo matapos lumabas ang resulta ng pagsusuri na napunitan siya ng muscle.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

“Yung result sa Ultrasound kahapon, lumang tear daw tapos nabugbog. Sana mawala yung sakit.”

Bukas ang takdang pagalis ng Gilas Pilipinas patungong Beirut, Lebanon. Kasama si Fajardo, ngunit walang katiyakan kung makalalaro ang four-time MVP.

“One week daw. Tapos therapy,” sambit ni Fajardo

Kung papayagan ng coaching staff, nais ni Fajardo na maglaro sa koponan.

“Syempre maglalaro. Depende sa akin yun eh,” aniya.

“Sa ngayon depende pa yun. Syempre future diba. Baka ma-prolong pa yung injury. Pero syempre gusto ko maglaro.”