LUBOS ang pagsuporta ng ‘Go for Gold’ ng Scratchit sa National Cycling Team at Paralympic squad sa paglahok ng bansa sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sasabak ang Nationals sa biennial meet laban sa Thailand, Indonesia, Singapore, Vietnam, Myanmar, Laos, Cambodia, Brunei, at Timor Leste. Sa 2015 SEAG sa Singapore, pumuwesto ang bansa sa ikaanim sa overall standings.

Puspusan na ang ensayo ng mga riders na pinangangasiwaan ni coach Norberto Oconer at Virgilio Espiritu. Nanganko ang mga siklistang Pinoy na sina John Mier, Ronald Oranza, Mark Galedo, Dominic Perez, Rustom Lim, Marcelo Felipe, Jerry Aquino, Ryan Cayubit at George Oconer na gagawin ang lahat para maiuwi ang minimithing gintong medalya.

Ang Go for Gold ay proyekto ng Scratchit na naglalayong mapaunlad ang sports development sa bansa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!