NI: Mary Ann Santiago

Hindi natapos sa pagkain ng hapunan ang isang babaeng tricycle driver makaraang pasukin at pagbabarilin sa bahay ng riding-in-tandem sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director Police Chief Supt. Romulo Sapitula ang biktima na si Marjorie Camba, 33, tomboy, ng 214 C. Neptali Gonzales Street sa Barangay Hagdang Bato Itaas ng nasabing lungsod.

Sa ulat nina officers-on-case SPO2 Albert Fontanilla at PO2 Jersey Laurente, ng Mandaluyong City Police, naghahapunan ang biktima, kasalo ang kanyang live-in partner na si Mary Sagora, nang pasukin ng dalawang suspek, na kapwa nakasuot ng helmet at jacket, at niratrat ang biktima, dakong 9:00 ng gabi.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Hindi naman sinaktan si Sagora.

Nang tumakas ang mga suspek, agad nagpasaklolo si Sagora ngunit hindi na naisalba pa ang buhay ng biktima.