Ni: Bella Gamotea

Kalaboso ang isang lalaki na nagtangkang pagnakawan ang pasahero ng bus sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Todo-tanggi sa awtoridad si Leonardo Calamaya, 41, umano’y miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang, kahit nakuha sa kanyang pag-iingat ang blade at isang wallet na may lamang tatlong identification (ID) card ng mga indibiduwal.

Ayon kay PO1 Hagie Corotan, ng Pasay City Police, naganap ang insidente sa Diokno Boulevard, dakong 9:15 ng gabi.

National

PCO, kinumpirmang sina PBBM, FL Liza sumagot sa hospital bills ni Nora Aunor

Nabatid na sakay si PO1 Corotan sa isang bus, na may rutang Fairview-Coastal, nang makitang nilalaslas ni Calamaya ang bag ng katabi niyang pasahero na si Christian Manao, 20, na himbing na himbing.

Hindi na nakapalag ang suspek nang sitahin siya ng pulis at bitbitin patungong presinto.