Ni MARY ANN SANTIAGO
Habang patuloy ang paggulong ng imbestigasyon, ni-relieve sa tungkulin ang paring inaresto sa tangkang pangmomolestiya sa isang 13-anyos na babae sa Marikina City.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Monsignor Arnel Lagarejos ay ni-relieve mula sa kanyang pinamumunuang parokya sa Taytay, Rizal.
Bukod dito, tinanggal si Lagarejos sa kanyang posisyon sa Diocese ng Antipolo, kabilang na ang pagiging pangulo ng Cainta Catholic College.
Sa opisyal na pahayag ng diocese, sinabi nito na nirerespeto nila ang mga kaukulang proseso na itinatakda ng batas upang imbestigahan ang insidente.