CARACAS/SAN CRISTOBAL (Reuters) - Niyanig ng madudugong protesta ang Venezuela nitong Linggo sa pagboykot ng maraming botante sa eleksiyon para sa constitutional super-body na ipinangako ni President Nicolas Maduro na magpapasimula ng “new era of combat” sa nasyon na nalulugmok sa krisis.
Nakasuot ng hood at maskara, binarikadahan ng anti-Maduro activists ang mga kalsada, nagkipagtuos sa security forces na kaagad kumilos para buwagin ang mga demonstrador na kinondena ang halalan sa tahasang pang-aagaw ng pangulo sa kapangyarihan.
Sinabi ng mga awtoridad na 10 katao ang namatay sa mga sagupaan nitong Linggo, ang pinakamadugong araw simula nang sumiklab ang malawakang protesta noong Abril.