NI: Entertainment Tonight

INARESTO ang dating Sonny With a Chance star na si Brandon Mychal Smith dahil sa pagmamaneho ng lasing nitong Hulyo 23, kumpirmadong ulat ng ET.

Hinuli ng mga pulis si Brandon sa Burbank, California, dakong 7:40 ng umaga, at kinasuhan ng driving under the influence (DUI). Ang piyansa ng 28-year-old ay $15,000. Tumagal siya ng ilang oras sa kustodiya ngunit nakalabas din nang magpiyansa.

Ayon sa ulat ng TMZ, nagmamaneho si Smith gamit ang kanyang Rolls-Royce sa Burbank nang humarurot kahit naka-red light. Ang blood alcohol level ni Smith ay doble umano sa legal limit.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagsimula ang acting career ni Smith noong siya ay walong taong gulang pa lamang, sa maliit na role niya sa She’s All That, bago nakuha ang roles sa Phil of the Future, Sonny with a Chance, at So Random! Lumabas rin kamakailan ang aktor sa Dirty Grandpa, at madalas na napapanood sa You’re the Worst at Sweet/Vicious.

Hindi lamang ang alum ng Disney Channel ang celebrity na nasangkot sa ganitong kaso. Inaresto rin sa kasong DUI kamakailan si Aaron Carter at ipinaliwanag ang buong detalye ng pagkakaaresto sa ET ng emosyonal. “What I need is for people to understand that I’m human and that I make mistakes just like every other human in this world, but I would never risk my life or my girlfriend’s life,” sabi nito.