Ni: Beth Camia

Umatras na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa planong kasuhan an aktibista at TV personality na si Mae Paner, alyas Juana Change, dahil sa pagsusuot ng uniporme ng militar sa isang kilos-protesta.

Sinabi kahapon ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na iniutos ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Año na huwag nang kasuhan si Paner matapos mabatid na hindi naman intensiyon ng huli na pagtawanan, insultuhin, o laitin ang mga sundalo, at sa halip ay sinuportahan pa nga ang mga sundalo.

Gayunman nagbabala si Padilla sa publiko na may intensiyong gamitin ang kanilang uniporme sa masama o ilegal na aktibidad, at sinabing labag ito sa batas at may kaukulang parusa.

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor