Ni REGGEE BONOAN

PINAGPIPISTAHAN ng netizens ang litratong ipinost ni Beauty Gonzalez sa Instagram na nakaupo at nakataas ng bahagya ang kaliwang paa kaya tila may sumilip daw.

Ayon kay @jane_crown1956, “Hala, kita na yata ang maria! Ang sagwa, bakit hindi muna i-check bago mag-post?”

Ipinagtanggol naman si Beauty ni @teamhealthymommy, “This is her own IG, if you don’t like what you saw, go ahead and unfollow. Dami sinasabi panay naman ang view.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nagsasagutan ang followers ni Beauty hanggang ang aktres na mismo ang mamagitan.

“Hi Jane (@jane_crown1956), I think your malicious mind is getting in the way in your very poor eyesight, if you look closer, thou I can’t imagine why you would even want to do that in the first place, it is just a shadow cast of my leg position and by the dark design of my swimsuit in that area. Anyway, even if I were naked, I guarantee you and my doctor will attest it will not be dark. Perhaps, it looks familiar to you? Then, I guess it is you who has a problem (emoticon), peace!”

Bagamat may sinabing ‘peace’ si Beauty sa sagot niya sa follower, halata pa ring nairita siya at imposible namang nagbiro siya sa paliwanag niya.

Samantala, sa seryeng Pusong Ligaw naman ay pinag-uusapan ang eksenang nagkasakitan sina Beauty at Bianca King dahil sa sinabi ni Vida (Sofia Andres) na ninakaw ang design niya ng isa sa designer ni Tessa (Beauty) sa ginanap na fashion night na napanood nitong Martes.

Bukod dito, nahuli naman ni Caloy (Joem Bascon) si Jaime (Raymond Bagatsing) sa loob ng men’s cubicle na may kahalikang ibang babae.

Nagmuntikan namang mag-away sina Potpot (Diego Loyzaga) at Rafael (Enzo Pineda) dahil pakiwari ng una ay hindi nito ipinagtanggol ang kaibigan nilang si Vida sa sinasabing ninakaw ang designs niya ng designer ng mama niyang si Tessa.

Tiyak na mas marami pang mabubunyag na lihim sa mga susunod pang episodes ng Pusong Ligaw.