Ni: Leandro Alborote

TARLAC CITY - Malaking halaga ng pera at electronic gadgets ang natangay ng hindi pa nakilalang kawatan na nanloob sa PC Worx sa McArthur Highway, Barangay San Roque, Tarlac City, kahapon ng madaling araw.

Natangay sa panloloob ang isang Asus laptop computer na nagkakahalaga ng P36,700; isang Lenovo Idea Pad, P28,000; isang Del laptop, P32,000; P104,416 cash mula sa accounting section; petty cash na P9,951 mula sa kaha.

Sa imbestigasyon ni PO3 Joey Agnes, nai-record ng CCTV camera ang pagpasok ng kawatan sa establisimyento dakong 2:00 ng umaga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog