Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

1 n.h. -- Marinerong Pilipino vs AMA Online Education

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

2 n.h. -- Racal Motors vs Tanduay

5 n.h. -- Batangas vs Gamboa Coffee Mix

MASIGURO ang bonus na twice -to-beat sa quarterfinals ang tatangkain ng Tanduay habang mapalakas naman ang kanilang tsansa sa nasabing insentibo ang hangad ng Batangas sa pagsalang nila ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2017 PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Center sa Pasig.

Naunahan ng Cignal sa ikalawa at huling outright slot sa semifinals, babaling ang Rhum Masters sa pag -angkin ng ikatlong posisyon na may twice -to-beat incentive kasama ng pang -apat sa paghahangad nila ngayon ng pangwalong panalo kontra ousted ng Racal Motors sa ikalawang laban ng nakatakdang triple bill ganap na 3:00 ng hapon.

Mauuna rito, pupuntiryahin ng Marinerong Pilipino ang ikalimang sunod at panganim na panalo para tiyakin ang pag -usad nila sa playoffs.

Umangat sa ikalimang puwesto, kung saan kasalo na nila ngayon ang Centro Escolar University taglay ang barahang 5-4, ang Skippers matapos magposte ng apat na sunod na panalo mula sa barahang, 1-4, pinakahuli ang 138-69 na pagdurog sa Coffee Lovers nitong Lunes.

Samantala sa huling laro ganap na 5:00 ng hapon, tatangkain ng Batangas na manatiling nakakapit sa fourth spot sa pagtutuos nila ng eliminated na ring Gamboa Coffee Mix.