BANGALORE, India – Tambakan sa ikatlong sunod na laban.

Patuloy ang basketball clinics ng mga karibal sa Perlas Pilipinas na nakamit ang ikatlong sunod na kabiguan – sa pagkakataong ito sa kamay ng South Koreans – 91-63, sa Fiba Asia Women’s Cup nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa Kanteerava Indoor Stadium.

Ito ang unang sabak ng Filipina cagebelles sa Level 1 ng biennial meet. Natalo sila sa world power Australia at defending champion Japan. Tanging ang Perlas ang nalalabing koponan sa Group B na hindi pa nakatitikim ng panalo.

Makakaharap nila sa knockout quarterfinal ang Group A top notcher at dating kampeon na China.

Kendra Kramer, balik-paglalangoy; may mensahe sa mga atleta

Nanguna si Alyanna Lim sa Perlas sa naiskor na 14 puntos.

Ang iba pang quarterfinal match up ay ang reigning champion Japan kontra Chinese-Taipei, Group B no. 1 Australia kontra North Korea, at New Zealand laban sa South Korea.

Ang torneo ay qualifiying round ng 2018 FIBA Women’s Basketball World Cup sa Spain.