Ni: Associated Press

MAPAPABILANG na si Michelle Pfeiffer sa Marvel Cinematic Universe. Ipinahayag ng Marvel Studios nitong Sabado sa Comic-Con na si Michelle ay kabilang sa cast ng Ant-Man sequel na Ant-Man and the Wasp bilang si Janet van Dyne, ang nawawalang asawa ni Hank Pym.

Makakasama ni Michelle sa pelikula ang nagbabalik na Ant-Man actors na sina Paul Rudd, Evangeline Lilly at Michael Douglas.

Inihayag din ni Marvel Studios head Kevin Feige na makakasama rin sa sequel sina Randall Park at Laurence Fishburne.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang Ant-Man and the Wasp ay ididirehe ni Peyton Reed at ipalalabas sa mga sinehan sa Hulyo 6, 2018.