Ni: Jun N. Aguirre

ILOILO CITY - Walong kabataang lalaki ang inaresto ng Iloilo City Police Office matapos na maaktuhang nagsusugal habang naglalaro ng DOTA sa lungsod.

Base sa police report, nahuling nagpupustahan ang mga suspek habang naglalaro ng DOTA bandang 12:15 ng madaling araw sa Infinity Computer Shop sa Iloilo City.

Narekober umano sa mga suspek ang P1,770 cash na sinasabing ginamit sa pustahan ng mga suspek.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki