Ni NORA CALDERON

AVISALA Avila!

Ang Avila ang kaharian ng mga Mulawin. Ito ang iniwang teaser ng Mulawin vs Ravena noong Friday evening sa GMA-7. Marami ang natuwang Encantadiks nang mag-post si Direk Mark Reyes ng picture nina Glaiza de Castro at Mikee Quintos na may caption na, “Maghanda na sa pagdating ng mga Sang’gre sa Avila.”

Yes, papasok nga sila sa Mulawin vs Ravena (MVR).

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Glaiza at Mikee
Glaiza at Mikee
Gagampanang muli ni Glaiza ang role niya bilang si Sang’gre Pirena at si Mikee Quintos naman bilang si Lira na anak nina Reyna Amihan at Raha Ibrahim na ginampanan noon nina Kylie Padilla at Ruru Madrid.

Natuwa at na-excite si Glaiza nang malaman niyang papasok siya sa MVR.

“Masaya ako dahil marami akong kaibigang nasa cast, like si Dennis Trillo, Bea Binene, Derrick Monasterio, Chynna Ortaleza at gusto ko muling lumaban dahil si Pirena ay isa sa mga nagtanggol sa kaharian namin, ang Lireo,” sabi ni Glaiza. “Masaya rin ako na makakasama ko ring papasok sa telefantasya si Mikee Quintos.”

Maging si Ikee, hindi makapaniwalang papasok din siya sa MVR.

“Natuwa po ako na kasama ako ni Sang’gre Pirena na papasok sa MVR. Gagampanan ko pa rin ang role ni Lira, na siyang pinili para magtanggol sa Lireo. Magagamit ko pong muli ang mga trainings na ginawa ko noon.”

Hindi pa malinaw kung ano ang gagawin nila sa MVR. Kanino kaya sila kakampi, sa Mulawin o sa Ravena? Sa mga nakalipas na ilang araw, talung-talo ng mga Ravena ang mga Mulawin, kahit nalaman nang si Almiro (Derrick) ang itinakdang sugo ng mga Mulawin. Maraming namatay na mga Mulawin nang bumaligtad si Daragit (Roi Vinzon) at sumanib sa Ravenang si Siklab (Dion Ignacio).

Pero hindi pumayag si Sandawa (Regine Velasquez-Alcasid), ang immortal goddess ng kalikasan na hindi tulungan ng hari ng Halconia, si Gabriel (Dennis) ang mga Mulawin kahit isa siyang Ravena dahil iyon daw ang katungkulang ipinataw sa kanya. Kaya nang masaksak siya ni Siklab, na akala ay ikamamatay na ni Gabriel, binigyan siya ni Sandawa ng berdeng binhi at muli siyang nagkamalay. Talung-talo naman ang mga Ravena.

Ngayong Lunes, papasok na sina Pirena at Lira, abangan natin kung ano ang tulong na ibibigay nila sa Mulawin ba o sa Ravena? Napapanood ito pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7.