ni Jun N. Aguirre

Pinag-iingat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga bumibiyahe patungong Boracay na mag-ingat sa mga nahuhulog na bato sa daan.

Sinabi ni Engr. Leo Bionat, assistant district engineer ng DPWH na nangyayari ang pagkahulog ng mga bato sa Barangay Jawili, Tangalan at Bugtong Bato sa bayan ng Ibajay, Aklan na ginagamit bilang alternatibong daan patungo sa isla ng Boracay.

Ayon kay Bionat, nangyayari ito dahil sa nararanasang malalakas na ulan sa lalawigan nitong mga nakalipas na araw.
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'