Ni: Jimi Escala

NAKARATING na sa matulungin at madaling lapitan na sikat na showbiz personality ang kuwento ng premyadong aktres sa isang umpukan na kesyo kulang daw ang ipinadalang tulong sa kanya ng una para sa pagpapagamot niya sa ibang bansa.

Pero siyempre, dahil likas na mabait at kilala na rin naman ng sikat na showbiz personality ang ugali ng tinutulungang aktres, deadma na lang ito.

Ang importante raw ay naibigay na niya ang ipinangako niyang tulong sa aktres at kung sakaling lalapit daw sa kanya muli ito ay handa pa rin naman siyang mag-abot ng puwede niyang maitulong.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Sa isang umpukan kasi na nasamahan ng aktres, may nakapagtanong na kaibigan niya kung bakit hindi pa rin niya itinuloy ang pagpapagamot sa ibang bansa noong bigyan siya ng pampagamot ng kaibigan niyang showbiz personality.

Ang sagot agad ng premyadong aktres, hindi raw sapat ang ipinadalang tulong ng showbiz personality sa kanya.

“Naku, pinadalhan nga niya ako ng pera, kulang naman! Tutulong din lang, eh, hindi pa nilubus-lubos,” ang nakakalokang pahayag ng premyadong aktres.

“Hay naku, ikaw na nga ang tumulong ikaw pa ang napasama,” sagot na lang ng isang taong malapit sa kilalang showbiz personality. –