Ni: Marivic Awitan

Nakatakdang pagkalaooban ng pamahalaan sa pamamagitan ng Philipines Sports Commission (PSC) ng kabuuang budget na P278.69 milyon ang Team Philippines sa kanilang gagawing pagsabak sa darating na Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia simula sa Agosto 14.

Ang nasabing pondo ay para sa kabuuang delegasyon ng Pilipins na may bilang na 773 kabilang ang may 498 mga atleta.

“The government is all out support to our national athletes participation in the biennial meet,and we expect them to do their best,” pahayag ni Atty. Carlo Abarquez, ang executive director ng Philippine Sports Commission (PSC) noong nakaraang Biyernes.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Kabilang sa nasabing pondo ang nauna nang naibigay at ginamit sa foreign exposure na kinabibilangan ng training at iba’t-ibang mga international competitions na nilahukan ng mga National Sports Associations (NSAs), na umabot sa halagang P192 milyon, mula noong Enero hanggang noong Hunyo ng taong kasalukuyan.

Nakapaloob na rin doon ang budget para sa sports equipments at supplies na umabot ng P63 milyon; accommodation na nagkakahalaga ng P29 milyon; air fare o pamasahe sa eroplano na nagkakahalaga ng P7.7 milyon; at iba pang mga logistical support na tinatayang aabot ng P25 milyon.

Gayundin, kasama din dito ayon kay Abarquez ang allowance na $500 para sa bawat isang atleta na kasama sa delegasyon.