BEIRUT (Reuters) – Ipinahayag ng Iran ang paglulunsad ng bagong missile production line nitong Sabado, sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng Washington at Tehran.

Ang Sayyad 3 missile ay kayang lumipad sa taas na 27 kilometro at layong 120 km, sinabi ni Iranian defense minister Hossein Dehghan sa isang seremonya. Kayang tamaan ng missile ang target fighter planes, unmanned aerial vehicles, cruise missiles at helicopters, aniya pa.

Sinabi ni Dehghan na ang $110 bilyong military deal kamakailan ng United States at Saudi Arabia, ipinahayag ni US President Donald Trump sa pagbisita niya sa Riyadh noong Mayo, ay para takutin ang Iran.

“We recently witnessed an immense purchase that some countries in the region paid as a ransom to America and they intend to bring weapons into the region, and this purchase was done with the goal of threatening Islamic Iran,” pahayag ni Dehghan sa state TV.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo