Ni: Argyll Cyrus B. Geducos

Kinakailangan munang linisin ng United States House of Representatives ang kanilang bakuran bago tumingin sa bakuran ng ibang bansa, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos magdaos ng hearing ang isang bipartisan caucus sa US House of Representatives tungkol sa “human rights consequence of the ‘war on drugs’ currently underway in the Philippines.”

“Marami silang (They have many) human rights violation. It would be good for the US Congress to start with their own investigation of their own violations of the so many civilian killings or killed in the prosecution of the war in the Middle East,” sabi ni Duterte sa mga mamamahayag sa Davao City nitong Biyernes ng gabi.

National

Billboard ni Benhur Abalos, pinuna ni Clarita Carlos

“Explain to me why a hospital was bombed with all the technology and children and the patients being killed before you start to investigate me,” dagdag niya.

Ayon kay Duterte, muli niyang iimbestigahan ang “sins” na nagawa ng US sa Pilipinas at ilalantad niya ito sa buong mundo.

“How about the sins that you committed against my country? Me, you’re investigating me in the internal affairs of my country. I’m investigating you and I will re-investigate you and I will expose it to the world what you did to the Filipino, especially to the Moro Filipino,” aniya.

“I can do what you can do ten times over,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi ng Malacañang nitong Biyernes na ang mga Pinoy ang tunay na hurado ng kampanya ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga ngunit umapela sa US Congress na ikonsidera ang lahat ng panig upang makuha ang tamang konklusiyon.

WALANG US VISIT

Samantala, sinabi rin ni Duterte na hinding-hindi na niya bibisitahin ang United States sa loob ng kanyang termino o kahit pagkatapos ng kanyang termino.

Ito ay matapos ipahayag ng US lawmakers na hindi dapat imbitahan si Duterte sa White House sa kabila ng pag-imbita ni US President Donald Trump at dahil na rin sa umano’y human rights violations sa bansa.

Ayon kay Duterte, minsan na siyang nakabisita sa US at nakikita niya itong “lousy.”

“There will never be a time during my admin that I’ll be going to America or thereafter. Tapos na ako diyan,” aniya.

“I’ve seen America and it’s lousy.”