Ni: Mary Ann Santiago

Binaril ang isang seaman ng lalaking sinita nito sa pakikipaghalikan sa isang eskinita sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa ospital si Manuel Banares, 56, ng Lamayan Street sa Sta. Ana, dahil sa tama ng bala ng baril sa kaliwang tenga.

Samantala, nakatakas at pinaghahanap na ng awtoridad ang suspek na si Omar Vinarao, 18, ng Alley 1, Lamayan St.

Sen. JV Ejercito, inalala dakilang sakripisyo ni Hesus

Sa imbestigasyon ni PO2 Rey Rabut, ng Manila Police District (MPD)-Station 6, naganap ang pamamaril sa eskinita sa tabi ng Botikang Pinoy Alley 2 St., sa kanto ng New Panaderos St., dakong 11:35 ng gabi.

Naglalakad umano ang biktima nang madaanang naghahalikan ang suspek at ang nobya nito at sinabing, “Bakit dito pa kayo naghahalikan?”

Nagalit umano si Vinarao at bumunot ng hindi batid na kalibre ng baril at pinutukan si Banares saka kumaripas, kasama ang nobya, bitbit ang baril na ginamit sa pamamaril.