Ni: Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City – Isang umano’y kilabot na drug pusher ang napatay matapos umanong manlaban at makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Immaculate Concepcion Subdivision, Sitio Centro sa Barangay Tibag, Tarlac City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Cornelio Ordanza, hepe ng Drug Enforcement Unit ng Tarlac Police Provincial Office (TPPO), kay TPPO Director Senior Supt. Ritchie Medardo Posadas, ang napatay ay si Ramon Romero, alyas Boss Ram, nasa hustong gulang, at nangungupahan sa bahay ng isang Hilardo Castillo sa nasabing lugar.

Dakong 10:30 ng umaga nang ikinasa ng mga pulis ang buy-bust sa Sitio Centro, Bgy. Tibag, na nauwi sa engkuwentro hanggang mapatay ang suspek.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog