Ni: Jun Fabon

Umabot sa P5.22 bilyon ang nakolekta ng Social Security System (SSS) mula sa mga miyembro nitong sumailalim sa Loan Restructuring Program (LRP), na nagpapagaan sa bayarin sa utang sa ahensiya.

Nabatid kay SSS President at CEO Emmanuel F. Dooc na ang mahigit P5 bilyon nakolekta ay mula sa loan repayments ng mahigit 850,000 miyembrong nakiisa sa LRP.

Mula nang inilunsad ang programa noong Abril 28, 2016, nagkaroon ng pagkakataon ang mga miyembrong may utang na bayaran ang kanilang obligasyon sa mas magaan na paraan, at may mababang interes na 3% lamang kada taon.

Jericho, umaming jowa na si Janine sa lamay ni Pilita