Ni: Ni REMY UMEREZ

UUNTI-UNTING kumakalas si Nadine Lustre sa wholesome image na dominado ng other young love teams tulad ng KathNiel o LizQuen.

Kitang-kita ang mga katibayan o ebidensiya mula sa sexy pictorials at ang matapang at kontrobersiyal na pahayag na normal lang ang makipag-live-in sa karelasyon. At diumano, ang pakikipag-live-in niya sa kanyang boyfriend na si James Reid ay aprub ng kanyang parents.

Isa itong indication ng pagiging liberated ni Nadine. Somehow, there are similarities between Nadine at former Miss Universe Gloria Diaz kung pananaw sa sex ang pag-uusapan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Expert na ang Viva sa pagpa-package ng kanilang talents. Hindi kami magtataka kung muli nilang i-remake ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa na huling ginampanan ni Ruffa Gutierrez. At ang bida ay walang iba kundi si Nadine. Muling mabubuhay ang eksenang nangangabayo siya ng naka-wet look at umiindayog ang mayamang dibdib.

Pustahan tayo, aabangan ito ng kalalakihan na botong-boto sa pagkakahirang kay Nadine bilang sexiest Pinay 2017 sa isang men’s magazine.