Isang pasilidad na naglalayong maiwasan na muling ma-traumatize ang mga inabusong bata ang nagbukas sa Valenzuela City kamakailan.

Ang Valenzuela City Child Protection Center (VCCPC) in Barangay Karuhatan ay isang one-stop-shop para sa mga bata na dumanas ng pisikal o sekswal na pang-aabuso. Layunin ng P2.8-milyong sentro malapit sa city hall na pagkalooban ng child-friendly environment ang mga batang inabuso.

Sinabi ni Maria Christina Ramos, staff sa Valenzuela City Social Welfare Development (CSWD), na nillaayon ng sentro na protektahan ang mga bata at maiwasan na magbalik ang kanilang takot sa pamamamagitan ng paulit-ulit na pagtatanong.

Sa ilalim ng VCCPC, isang beses lamang silang tatanungin kung saan makikinig at mag-a-assess ang mga kinakailangang propesyonal.

Events

Kim Chiu, Julia Barretto nominado sa Asian TV Awards 2024

“We want to prevent retraumatization of abused children. This is why the center was built in order to lessen the stress of the young victims,” ani Ramos.

Aniya, bukas ang sentro 24/7 alinsunod sa direktiba ni Mayor Rex Gatchalian, at maaaring isumbong ng mga mamamayan ang pang-aabuso sa mga bata sa kanilang lugar. - Jel Santos