NAPAKAGANDANG tingnan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na laging sweet, nakangiti at magka-holding hands. Pero hindi pa rin sila nakakaligtas sa bashers na wala na yatang makitang maganda sa kapwa kaya lahat na lang bina-bash.

Pumapatol ba ang BiGuel sa bashers?

“Siguro po ang mga tao, may iba-ibang opinion,” sagot ni Miguel. “Mayroon talagang bad ang opinion, mayroon namang good. Ako po focus na lang doon sa good ang opinion, hindi po kasi makakabuti kung iyong bad ang papansinin mo, masisira lang ang araw mo, hindi ko na lang po sila pinapansin.”

“Hindi po ako nagpapaapekto sa mga nababasa ko,” sabi naman ni Bianca. “Hindi po maiiwasan na it will get you, it will hurt you. Kahit ano pa ang gawin mo, kapag binasa mo, masasaktan ka dahil ang mga tao sa online tend to get personal and they talk as if kilala ka nila talaga, kahit hindi naman. Kaya iyon po, ipinaaalala ko sa sarili ko, huwag silang pansinin dahil hindi naman nila ako kilala at hindi ko rin sila kilala.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Patuksong tinanong sina Miguel at Bianca kung ano ang naramdaman nila sa first kissing scene nila bilang ang magkasintahang sina Pagaspas at Lawiswis sa Mulawin vs Ravena. Deeply in love silang dalawa sa istorya at ayaw nilang magkahiwalay dahil simula pagkabata ay magkasama na sila at hinintay ni Pagaspas na maging dalaga na si Lawiswis, kahit dinadalaw-dalaw lang niya ito at nakikita sa butas ng kuweba na kulungan nito.

“Nabigla po ako,” nakangiting sagot ni Miguel. “Hindi ko po alam na may eksena na kaming ganoon, hindi po ako nasabihan.”

“Hindi po alam ni Miguel, sa akin lang sinabi,” natatawang sagot ni Bianca. “Sandali lang po iyong kissing scene.”

Kaya nagbiro si Miguel na hintayin daw ang totoong kissing scene nila.

Napapanood ang Mulawin vs Ravena gabi-gabi sa GMA-7 pagkatapos ng 24 Oras.