MAY hanggang Hulyo 16 ang papaparehistro ng paglahok para a 2017 Manila Bay Clean-Up Run.

Ayon sa organizing Manila Broadcasting Company, ang karerang naglalayon na mapamulat ang sambayanan para sa paglilinis ng kapaligiran, ay bukas sa lahat ng interesadong tumakbo sa 3K, 5K, 10k at 21K dibisyon para sa lalaki at babae.

Nakatakda ang fun-raising run sa Hulyo 23.

Maaaring magpalista sa MBC lobby sa Sotto St., CCP Complex, Pasay City katabi ng Star City o sa mga outlet ng Olympic World Trinoma at Alabang Town Center at sa Olympic Villlage sa Market, Market.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Para sa karagdagang impormasyon hingil sa Manila Bay Clean Up Run, makipag-ugnayan sa telepono bilang 0926-205-2787.