LIMA (AP) — Isang double-decker tour bus ang nawalan ng kontrol at gumulong sa makipot na kalsada sa burol, na ikinamatay ng siyam katao at ikinasugat ng 25 iba pa.

Sinabi ng bomberong si Cesar Suito na kabilang sa mga nasugatan ang isang Canadian at isang Chilean.

Sa pahayag ng Ministry of Health ng Peru, nangyari ang aksidente nitong Linggo ng gabi halos 2 kilometro mula sa presidential palace sa Lima. Binabaybay ng bus ang burol ng San Cristobal upang masilayan ng mga pasahero ang panoramic view ng lungsod.

Ayon sa ministry, lumalabas na mabilis ang takbo ng bus.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'