Lumisan si US President Donald Trump kasama ang ilang matataas na opisyal ng bansa matapos magkaroon ng putukan sa White House kung saan ginaganap ang taunang press dinner.
Ayon sa ulat ng Associated Press nitong Linggo, Abril 26, nangyari umano ang insidente sa labas ng ballroom kung saan nakaupo si Trump at ang iba pang bisita.
Kinumpirma na ng awtoridad na talagang may nagpapaputok sa lugar. Ngunit bukod dito, wala pa silang karagdagang detalyeng naibibigay.
Inilakas na lahat ng opisyal na protektado ng Secret Service. Kabilang umano sa mga dumalo sa naturang pagtitipon ay sina Vice President JD Vance, Defense Secretary Pete Hegseth at Secretary of State Marco Rubio.
Wala naman umanong natamong pinsala ang Pangulo ng Amerika.