Ni: Mary Ann Santiago

May posibilidad na ipagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lanao del Sur, kaugnay na rin ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, malaki ang epekto ng bakbakan sa paghahanda ng komisyon sa halalan hindi lamang sa Marawi City kundi sa buong Lanao del Sur.

Nabatid na sa nakaraang dalawang linggo ay bumisita ang komisyon sa lalawigan kung saan may 112 field office ang Comelec.

Tsika at Intriga

Cristine Reyes, Marco Gumabao in-unfollow na ang isa't isa

Natuklasan ng Comelec na karamihan ng kawani ng Comelec sa probinsiya ay hindi pa nakababalik sa kani-kanilang bahay at opisina dahil sa gulo sa Marawi.

Nilinaw naman ni Bautista na maaaring matuloy ang eleksiyon—na itinakda sa Oktubre 23, 2017—sa ibang bahagi ng bansa sa Oktubre, at ang halalan lamang sa Lanao del Sur ang ipagpapaliban.