Ni: Mar T. Supnad

CAPITOL, Bataan – Tatlong katao ang namatay makaraang makagat ng asong may rabies, habang 15 iba pang aso ang inoobserbahan ngayon makaraang makumpirmang taglay ang nakamamatay na virus sa Bataan.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Dr. Albert Venturina, Bataan provincial veterinary, na umapela sa publiko na pabakunahan kontra rabies o itali sa kani-kanilang bakuran ang mga alagang aso upang maiwasan ang pagkalat ng rabies.

Kasabay nito, nanawagan din si Venturina sa mga nakagat ng aso na kaagad magpagamot, dahil kapag umabot na sa utak ang rabies ay awtomatikong mamamatay na ang biktima.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van