Ni BELLA GAMOTEA
Nagsasagawa na ng follow-up operations ang Parañaque City Police laban sa tatlong kasambahay at isang family driver na pawang inireklamo ng pagnanakaw ng P8,000 cash at tatlong cell phone, kamakalawa ng hapon.
Bakas sa mukha ang galit ni Gus Benedict Tayzon, amo ng mga suspek, nang dumulog sa tanggapan ng Police Community Precint (PCP)-Barangay San Dionisio, ng Parañaque City Police, upang ireklamo sina Pearly Bonales, dalawang 17-anyos na babae, pawang tubong Bicol, at Jay-R Laxamana.
Ayon kay Tayzon, pinagkatiwalaan ng kanyang pamilya si Bonales sa paghahawak ng budget at pinautang pa ng mga cell phone dahil isang taon na nitong pinagsisilbihan ang kanilang pamilya.