Ni: Beth Camia

Hinimok ni government peace negotiator Nani Braganza ang mga tinawag niyang “spoilers” ng peace talks na huwag bansangang terorista ang Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) dahil hindi ito nakatutulong sa pagsasaayos ng sitwasyon.

Ayon kay Braganza, sa kabila ng mga problema, nakakausad pa rin ang usapang pangkapayapaan at tinatarget ng pamahalaan (GRP) at ng CPP-NPA-NDF (National Democratic Front) na makabuo ng kasunduan bago ang midterm elections sa 2019.

Sinabi ni Braganza na todo ang pagsisikap ng pamahalaan na makabuo ng kasunduan para sa pangmatagalang kapayapaan at pagtutulungan. Tuluy-tuloy din ang back-channel talks. Ang pinakahuli, ay ang pag-uusap kamakalawa nina GRP chief negotiator Secretary Silvestre Bello III at Fidel Agcaoili, chairman ng NDF peace panel.

Relasyon at Hiwalayan

Jackie Forster nagparinig tungkol sa 'manipulation' at 'walang accountability'