Ni: Bella Gamotea
Magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Flying V ngayong Martes.
Sa anunsiyo ni Julius M. Segovia ng Flying V, epektibo 12:01 ng madaling araw ng Hulyo 4, magtataas ng 70 sentimos sa presyo ng kada litro ng diesel, 55 sentimos sa kerosene, at 30 sentimos sa gasolina.
Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya ng langis sa kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo, bunsod ng paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.
Mayo 30 nang huling nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag-presyo na 85 sentimos sa kada litro ng kerosene, 75 sentimos sa diesel, at 55 sentimos sa gasolina.