Ni JIMI ESCALA

MATAGAL namahinga sa pag-arte sa pelikula at telebisyon si Romnick Sarmenta. Sumikat na  nang husto ang pangalan ni Romnick noong kasagsagan ng That’s Entertainment ka-love team ang isa pa sa mga pambato ng programa na si Sheryl Cruz. 

Romnick Sarmenta
Romnick Sarmenta
Sa huli naming panayam kay Romnick (last December), naitanong namin kung wala na ba siyang balak na magbalik-showbiz. Sagot pa agad niya, inaasikaso niya ang negosyo nila ni Harlene Bautista at siyempre mas nakatuon ang pansin nila sa mga anak nila. 

Pero ngayon ay nagbalik-telebisyon si Romnick Sarmenta na marami ang ginulat sa ipinakita niyang kahusayan sa unang linggo ng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Basta priority ko pa rin ang mga anak namin. Kami kasi ni Harlene, eh, ayaw kasi namin ‘yung kapag may kailangan ‘yung anak mo o may sakit or may kailangan ang anak mo,eh, tumatakbo agad sa yaya,” sey ni Nikko. 

Pero hindi na raw naman maliliit na bata ang mga anak nila. At darating ang panahon na magkaroon ng sariling pamilya ang mga ito at may mga desisyon na hindi na dapat pakialaman ng mga magulang. 

“Lahat ng mga magulang maiisip ito, up to a certain time lalayo at lalayo sila sa iyo, magtatayo sila ng sariling pamilya and you have a number of years para ma-enjoy mo ‘yung company nila at ma-build mo ‘yung character nila,” lahad ng actor. 

Kaya ibinigay nila ang buong atensiyon nila sa mga anak nila habang maliliit pa ang mga ito. 

“We  can always have time for our own plans pero ‘yung mga bata na ipinagkatiwala sa amin ng Diyos kailangan nandoon tayo while they are growing up,” sey  pa rin ng brother-in-law ni Mayor Herbert Bautista. 

Samantala, sa ngayon daw ay wala sa balak nilang mag-asawa na pasukin ang pulitika.