PINATAOB ng Centro Escolar University ang AMA Online Education, 100-85, nitong Huwebes ng gabi para makamit ang ikatlong sunod na panalo sa PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kumana ng krusyal na puntos sa pahirapang sandali sina Aaron Jeruta at Rod Ebondo para maisalba ang matikas na pagbangon ng Titans sa 20 puntos na paghahabol.

Nakadikit ang Titans sa 93-85 bago nakumpleto ni Ivan Villanueva ang three-point play kasunod ang floater ni Jeruta at three-pointer ni Ebondo para selyuhan ang panalo ng Scorpions.

Nanguna si Ebondo sa naiskor na 27 puntos, 22 rebound, dalawang assist, dalawang steal at tatlong block.

Kumana naman si JK Casino ng 22 puntos, tampok ang anim na three-pointer para sa Scorpions, umusad sa 3-2.

"Medyo nakaka-adjust na pero marami pa ring lapses. Kailangan pa i-push especially sa practice," sambit ni CEU coach Yong Garcia.

Kumubra si Embons Bonleon ng 30 puntos, habang kumana si Renzo Subido ng 23 puntos para sa Titans, lungayngay sa 0-5 karta.

Iskor:

CEU (100) - Ebondo 27, Casiño 22, Uri 14, Cruz 14, Arim 8, Manlangit 7, Jeruta 6, Wamar 2, Aquino 0, Saber 0.

AMA (85) - Bonleon 30, Subido 23, Salonga 10, Villanueva 7, Alas 5, Alupani 3, Flores 3, Paras 2, Celso 2, Macaranas 0, Jordan 0, Malones 0.Quarterscores: 21-19; 51-37; 74-63; 100-85.