Ni: Marivic Awitan

DAHIL sa patuloy na pag -angat ng popularidad ng event na 3x3 sa basketball sampu ng panawagan ng FIBA na palaganapin ang bagong Olympic event, pinaplano ng pamunuan ng NCAA na magdaos ng 3x3 competition sa darating na NCAA Season 93 bilang isang special event.

Ayon mismo kay NCAA Management Committee chairman Fr. Glyn Ortega, OAR, ng season host San Sebastian College, maaari ring isama ang 3x3 sa nasimulan ng taunang NCAA All-Star na ginaganap sa pagitan ng first at second round ng basketball competition.

Kaugnay naman ng isasagawang opening ceremony na idaraos sa MOA Arena sa Hulyo 8 , sinabi ni Ortega na wala silang inimbita para maging guest speaker dahil gusto nilang masentro ang programa sa mga napili nilang league’s most successful alumni na bibigyan nila ng parangal.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kabilang sa mga awardee ay sina dating San Sebastian cager Calvin Abueva at Rommel Adducul, Atoy Co ng Mapua, Willie Miller ng Letran at Vergel Meneses ng Jose Rizal University.

“We will highlight the icons who are alumni from different schools,” ani Ortega.