Ni: Mars W. Mosqueda, Jr.

NAGA CITY, Cebu – Nauwi sa trahedya ang paglalaro ng dalawang menor de edad makaraang isang 11-anyos na babae ang aksidenteng napatay ng tiyuhin niyang 14-anyos nitong Miyerkules ng gabi sa Naga City, Cebu.

Ayon kay SPO1 Maricor Aliganga, ng Naga City Police-Women and Children Protection Desk, nilalaro ng 14-anyos na lalaki ang isang .38 caliber revolver na nadiskubre niya sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mainit.

Ang baril ay pag-aari ng nakatatandang kapatid ng binatilyo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Gayunman, aksidente ng nakalabit ng binatilyo ang gatilyo at nasapol ng bala ang kaliwang kilay ng batang babae, na naglalaro sa malapit, ayon kay Aliganga.

Tumagos ang bala at lumabas sa kanang bahagi ng ulo ng batang babae.

Kaagad na naisugod sa ospital ang paslit ngunit hindi na naisalba ang kanyang buhay.

Nasa kostudiya ng Naga City Police ang bata at ite-turnover sa mga social worker.