Jodi at Jolo
Jodi at Jolo

by Ador Saluta

PRESENT si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla sa anibersaryo ng cityhood ng Bacoor, Cavite na ang alkalde ay ang kanyang mom na si Mayor Lani Mercado.

Bihirang makita si Jolo sa mga social functions kaya hindi nag-aksaya ang Push.com team na kapanayamin ang actor-pulitiko tungkol sa updates sa kanyang buhay public servant, showbiz career at sa love life.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Agad itinanong ang status ng relasyon nila ni Jodi Sta. Maria, kung sila na nga ba ang magkakatuluyan habambuhay.

“Kung uukol, bubukol. I’m not closing any doors pero ngayon ang priority natin is public service. Sa acting, ngayon wala pa,” sagot ni Jolo.

Inamin ni Jolo na big fan siya ng top-rating teleserye ng kapamilya network na FPJ’s Ang Probinsyano. Kaya kung may pagkakataon na bigyan siya ng role dito ay hindi niya tatanggihan.

Nagbigay din ng opinyon si Jolo tungkol sa pagbabalik-studies ni Jodi na planong ituluy-tuloy hanggang sa maging doktor.

“Isa ako sa pinakamasayang tao dahil makakamtan na din niya ‘yung pangarap niya na maging isang doktor dahil siya ngayon ay nagsa-Psychology, eh, so I’m very happy for her,” nakangiting sey ni Jolo.

Proud si Jolo para sa kanyang inspirasyon na kahit hectic ang schedule ay naglalaan pa rin ng oras para matupad ang parangarap na makapagtapos.

“Nakita naman natin na sunud-sunod, eh (ang projects). Kumbaga, binigyan din siya ng priority nu’ng school dahil may home study din ‘yung paaralan na ‘yun. Kaya nag-grab lang din siya nu’ng opportunity na ‘yun and tingin ko naka-focus pa din naman siya sa showbiz. Kumbaga du’n sa mga libre niyang oras ‘sinasama niya ang pag-aaral,” paliwanag ni Jolo.

Sa kabila ng mga kontrobersiya, nananatiling matibay ang kanilang samahan.

“All I can say is that a... kung ano ‘yung meron man kami ngayon, masaya po kami,” pagtatapos ng binatang ama.