KABILANG sina NCAA Division 1 mainstay Kobe Paras at collegiate star Kiefer Ravena sa Gilas Pilipinas team na inihahanda para sa Jones Cup sa Taipei.

Makakasama ng dalawa ang Fil-German recruit na si Christian Standhardinger na dating nakalaro sa NCAA sa US at ngayo’y sumasabak sa pro league sa Germany.

Miyembro ng Gilas sina Paras at Ravena, na sumabak sa FIBA 3x3 World Cup kamakailan sa Nantes, France kung saan tumapos ang Pinoy sa ika-11 puwesto sa 20 koponan.

Nadagdag din sa koponan si Jaymar Jose, habang dumalo na rin sa ensayo ng koponan si NBA D League mainstay at dating two-time UAAP MVP na si Bobby Ray Parks, Jr. Nasa bansa na rin si TNT standby import Mike Myers na posibleng palaruin bilang import.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Nauna nang pinangalanan sa team sina RR Pogoy, Jio Jalalon, Matthew Wright, Chris Tolomia, Ed Daquioag, Carl Bryan Cruz, Kevin Ferrer, Fonzo Gotladera at Von Pessumal.

Nakopo ng Gilas ang Jones Cup noong 2013 at kumpiyansa si coach Chot Reyes na masusungkit muli ang titulo. Gayundin, ang Jones Cup ang huling liga bago pormal na ipakikilala ni Reyes ang line up para sa Southeast Asian Games.