Ni: Bert De Guzman

Dapat bigyan ng higit na seguridad at proteksiyon ang mga depositor kasunod ng processing error ng Bank of the Philippine Islands (BPI) at umano’y skimming sa automated teller machine (ATM) ng Banco de Oro Unibank.

Sa pagsisimula ng imbestigasyon ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries, pinagsabihan ang mga bangko na dapat maging maingat at protektahan ang kanilang mga depositor.

Sinabi ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na hiniling nina Speaker Pantaleon Alvarez at Majority Leader Rodolfo Fariñas sa kanyang komite na mag-imbestiga, in aid of legislation, hingggil sa mga insidente sa BPI at BDO Unibank para maprotektahan ang mga depositor at ang banking industry.

Tote bag ng BINI, binakbakan: 'Mas maganda pa bag ng ayuda!'