MULING makaka-bonding ngayong Sabado night ang multi-awarded actress-host na si Eugene Domingo sa Celebrity Bluff.

Walang halong bluff, special bluffer combo ang kaangkas ngayong linggo sa riot na kulitan nina Baby Boobsie, Brod Pete at ang ever energetic na si Boobay.

Tatlong celebrity pairs ang magpapagalingan at magpapautakan sa nakakalitong Fact or Bluff round at nakaka-palpitate na word war.

Magtutunggali ang Team My Love From The Star na sina Gil Cuerva at Nar Cabico versus Team Grabeh slash mag-ate na Ruffa at Raymond Gutierrez versus Team Pumapag-ibig Chynna Ortaleza at Kean Cipriano. Tutukan kung paano nila masasabayan ang on-the-spot kulitan at hiritan with our bluffers. Alamin ang mga bagay na first time nilang gagawin on national TV sa ngalan ng aarangkada all the way to the Jackpot Round: TOUGH 10!

Karina Bautista, PH navy reservist na

Asahan na muling pupunuin ng tawanan at trivia ang inyong Sabado night. Kasama pa rin ng cutie tropa ng Kapuso boy group - One Up!

Kasi nga, ang kakaibang tropa, babalikan at babalikan mo. Ang masarap panoorin, uulit-ulitin mo talaga. At libreng one to sawa ang tawanan at kaalaman, dapat sinusulit simula umpisa hanggang sa huli.

Ito ang nag-iisang all-original and laugh out loud most awarded comedy game show sa balat ng Philipine teloevisiyon – Celebrity Bluff.