Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Bukas

(Ynares Sports Arena)

3 n.h. -- Batangas vs AMA

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

5 n.h. -- Zarks Burgers vs CEU

BUMALIKWAS ang Wang’s Basketball mula sa dalawang sunod na pagkatalo nang ungusan ang Gamboa Coffee Mix, 88-86, kahapon sa 2017 PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Umiskor lamang ng apat na puntos si John Ambulodto, ngunit naibuslo niya ang pinakamahalagang basket ng laro na isang floater bago tumunog ang final buzzer upang ibigay sa Couriers ang ikalawang tagumpay sa apat na laro.

Naiiwan ng walong puntos, 67-75 , may 6:39 pang natitira sa oras, nagawang maidikit ng Coffee Lovers ang laban kasunod ng inilatag nilang 12-1 run na nagbigay sa kanila, 79-76, papasok sa huling dalawang minuto.

Mula roon, limang beses pang nagkapalitan ng lamang bago naitabla ni Mark Parala sa huling pagkakataon ang laban sa 86-all, matapos i-follow-up ang mintis ni playing coach Leo Avenido sa 3-point arc, 8.6 segundo ang nalalabi.

Tumapos na leading scorer para sa Wang’s ang Fil-Am na si Robert Herndon na may 27-puntos, limang rebound, dalawang assist at isang steal habang nag ambag naman si Michael Juico ng 22 puntos, tatlong rebound at apat na assist.

Nanguna si Avenido sa Coffee Lovers sa naiskor na 38 puntos, siyam na rebound at dalawang steal.