Ni: Orly L. Barcala

Sa selda ang bagsak ng vegetable vendor matapos mandakma ng puwet ng dalagita sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Acts of lasciviousness ang isinampa laban kay Atiga Afable, 41, ng Purok 5, Kawal Street, Barangay 35 ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ng biktima, 17, sa Women’s and Children Concerned Desk (WCCD) ng Caloocan Police, naglalako siya ng banana que sa kanilang lugar, bandang 2:00 ng hapon.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Lumapit umano sa kanya ang suspek at sinabing papakyawin ang kanyang paninda, sa halagang P2,000, kung sasama siyang kumain sa labas.

“Hindi ko po siya pinansin kasi alam ko nagbibiro lang kaya tumalikod ako para ilako ang paninda ko,” ayon sa biktima.

Nagulat umano ang dalaga nang dakmain ng suspek ang kanyang puwet at pinanggigilan.

Umuwi ang biktima at isinumbong sa ina ang ginawa ni Afable at tuluyang ipinaaresto.