Ni: Leandro Alborote

GERONA, Tarlac - Isang fetus ang itinapon sa tapat ng isang bahay sa Barangay Amacalan, Gerona, Tarlac, nitong Linggo ng hapon.

Ayon kay PO2 Baby Lyn Valeros, isang lalaking fetus ang itinapon sa harapan ng bahay ni Pedro Balido, 75, sa Bgy. Amacalan.

Nabatid sa imbestigasyon na itinapon ang fetus dakong 1:00 ng hapon, at kaagad ini-report kay Barangay Chairman Mario L. Tiamson, na nag-ulat naman sa pulisya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog